ANG PUSA SA AKING DURUNGAWAN ni Macario H. Afable
Mga Tauhan
• Narrator - Siya ang pangunahing tauhan sa kwento. Hindi binganggit ang kanyang pangalang ngunit sa kanyang paglalahad ng kwento ay masasabi nating siya ay isang binata na parating nananatili sa kanyang silid. Mahihinuho rin mula sa kanyang pagkakasalaysay na siya ay isa nang ulila sa magulang at ang kanyang tiyo at tiya ang kumupkop at nagpalaki sa kanya. Parati siyang pinagsasabihan ng kanyang tiya na gumawa ng paraan para mawala na ang pusa na nanghihimasok sa kanilang bahay dahil galit at takot ito sa mga pusa, lalo na sa inang pusa. Mayroon rin katipan ang binata na nagngangalang Ida.
• Tiya ng binata - Ang tiya ng binata ay ang nagmulat sa binata sa pagkakamaling kanyang ginawa sa mga pusa. Labis na emosyon ang naramdaman ng tiya sa nabalitaang pagpaslang sa isang bata. Nakonsensya ang binata dahil hinamak niya ang batang nasa sinapupunan pa lamang.
• Ida - Siya ang kasintahan ng binata sa kwento. Maluwag ang loob ng kanyang ama sa binata. Siya ang ina ng patay na batang natagpuan na tinapon sa basurahan. Nakasala silang dalawa ng binata at hindi pa sila handing maging magulang kaya nagawa ni Ida na ilaglag ang bata mula sa kanyang sinapupunan.
Buod
Ang kwento ay nagsimula sa pusa sa durungawan o bintana ng silid ng binata. Biglang pumasok ang pusa sa loob ng bahay at naghihiyaw ang tiya ng binata dahil ayaw na ayaw nito sa pusa. Hinabol ng binata ang pusa at nakaisip ng paraan para umalis ito, at iyon ay ang ilabas ang mga anak na kuting.
Lumipat ang kwento sa paghatid ng binata sa kanyang kasintahang si Ida patungo sa kanilang bahay. Pinagsabihan ito ng ama ni Ida na huwag ipagsawalang-bahala ang tiwalang meron ito sa dalawang kabataang magsing-irog. Pagkatapos ay umuwi na ang binata, kung saan nakita niya nag kanyang tiya na naghihimutok sa napabalitaang sanggol na nakitang itinapon sa basurahan. Mga demonyo raw ang gumawa ng bagay na iyon. Nakatitiyak ang tiya na ang may-sala ay isang dalagang ina na walang asawa.
Nagtungo sa kanyang silid ang binata, at bigalng nagkaluskos ang pusa. Tinanong ng tiya kung ano ang nangyayari. Pagod na ang binata at ayaw na niyang sagutin ang kanyang tiya. Ngunit makulit na tanong ng tanong ang tiya dahil sa ingay na ginagawa ng pusa. Kaya sumagot na rin ang binata at sinabing hinahanap ng inang pusa ang kanyang mga kuting, ngunit hindi na niya ito makikita sapagkat pinatay na ng binata ang mga ito.
Tunggalian sa Kwento
• Tao laban sa Kalikasan
Inilabas ng binata ang mga kuting upang lumabas din ang inang pusa, at para makasiguradong hindi na ito babalik, pinatay niya ang mga kuting. Kung nagawa ng binata na kitilin ang buahy ng batang nasa sinapupunan ng kanyang kasintahan, pano pa kaya ang pagpaslang sa mga kuting?
• Tao laban sa Sarili
Maraming kasalanan ang bumabagabag sa isip at konsensya ng binata: ang pagtapon niya sa tiwala ng ama ni Ida, ang pagpaslang niya san g kuting, ang pagkakasala nila niIda, at ang paglaglag nila sa kanilang nak. Kung tutuusin, ito rin any mga pagkakasala sa Diyos.