BAKYA ni Hernando R Ocampo
Tungkol sa Manunulat
Si Hernando R. Ocampo ay isinilang sa Santa Cruz, Maynila noong ika-28 ng Abril 1911. Hayskul lamang ang natapos niya,ngunit naging isa siyang tanyag na manunulat. Ayon kay Teodoro Agoncillo, “Si Hernando ay nabibilang sa maliliit na pulutong ng mga manunulat sa Pilipinas na naniniwalang nasa buhay at nag-uugat sa buhay ang sining."
Ang kuwentong Bakya ay isinulat noong 1938, malapit sa panahonng nasasaklaw ng malawakang “Great Depression” sa buong daigdig. Ito ay tungkol sa isang pamilya na napunta sa hirap dahil sa opresiyon na natatanggap nila sa isang pagawaan ng tabako.
Mga Tauhan
Aling Sebya – Siya ng pangunahing tauhan ng kwento. Marami sa mga pangyayari ay galing sa nakikita o “point of view” ni Aling Sebya, at ang mga nakikita niya at napapansin habang siya’y naghihintay sa kanyang asawa.
Mang Tonyo – Siya ang asawa ni Aling Sebya. Pumunta siya sa welga, atkamuntik nang mamatay nang magkaroon ng engkwentro sa pagitan ng mga pulis at welgista. Inaahasan siyang umuwi ng gabing iyon dahil walang nang pagkain sa kanilang bahay at hindi pa kumakain ang kanyang pamilya.
Mga Anak ni Aling Sebya – Kahit hindi sila pormal na binigyang-ngalan, ang mga anak ni Aling Sebya ay nagbibigay-buhay sa kwento, at nagpapakita na lubos na mahihirapan si Aling Sebya kapag namatayan siya ng asawa.
Mang Milyo – Siya ang kaibigan ni Mang Tonyo na isa ring manggagawa. Tinulungang nitong huwag mag-alala si Aling Sebya sa simula ng kwento.
Buod
Si Aling Sebya ay mahinahong naghihintay sa kanyang asawa na si Mang Tonyo sa kanilang bahay kasama ang dalawa nitong supling na naghihintay din at naglalaro. Mayroon din silang isang sanggol na natutulog sa mga bisig ni Aling Sebya. Lumipas ang oras at hindi pa rin nakakauwi si Mang Tonyo at nagtataka na si Aling Sebya kung bakit ito natatagalan.
Napadaan si Mang Milyo sa tapat ng bahay nila at tinanong siya ng kanyang kumareng si Sebya kung nakita na ba nito ang kanyang asawa. Napailing si Milyo at sinabing ang huling beses na nakita niya ang kumpare niya ay kahapon pa. Sinigurado naman ni Milyo na pauwi na ang kaibigan at sinabing hintay-hintayin na lamang nila ang ama.
Nagugutom na ang mga anak ni Aling Sebya at tinatanong nila kung nasaan ang kanilang ama. Biglang may dumating na balita na pito sa mga welgista ang namatay dalhil sa naganap na engkwentro sa pagitan nila at ng mga pulis. Sumikip ang dibdib ni Aling Sebya sapagkat naisip niya na baka nadamay ang asawa at isa ito sa mga namatay. Nagtungo si Aling Sebya sa himpilan ng mga welgista na dala-dala pa ang mga anak. Ang kanyang dalawang nakatatandang anak ay nakahanap ng sinelas sa basurahan. Nagulat si Aling Sebya dahil ito ang suot ni Tonyo noong bago umalis sa bahay.
Tunggalian
1. Tao laban sa Tao - Dahil sa kaguluhan sa pagitan ng mga welgista at ng mga pulis at bantay sa pabrika, nagkaroon ng away sa pagitan ng mga tao at ng kanilang kapwa. Dahil sa matinding panggugulo raw umano ng mga welgistakaya nagkagulo na lahay ay may nadamay na pitong welgista na nahantong sa kanilang pagkamatay.
2. Tao laban sa Sarili - Dahil sa pag-iisip tungkol sa asawa, hindi maaring mawala sa isipan ni Aling Sebya na ang kanyang asawa ay nadamay sa gulo sa pabrika. Hindi tuloy niya malaman ang gagawin, kung siya ba’y mananatili sa kanilang bahay at matiyagang hihintayin ang asawa o pupuntahan ito sa himpilan ng mga welgista sa may pabrika para malaman kung ano ang talagang kinahantungan ng kanyang asawa.