Join MultiplyOpen a Free ShopSign InHelp
MultiplyLogo
SEARCH

You know you love me. ♥

Blog EntryMar 20, '09 9:12 PM
for everyone
THE MAIDEN OF BUHONG SKY
Taglish Version, Retold. XD


Ipinakilala ang bida ng kwento na si Tuwaang bilang isang craftsman na magaling gumawa ng leglets, mag-engrave ng finger rings, at maghulma ng kadena. Tinawag niya yung kapatid niyang babae, tas ngumuya sila ng nganga (betel nut/chew) habang nagkwekwentuhan. Sabi ni Tuwaang sa ate niya na may dinalang mensahe sa kanya ang hangin na nagsasabing may isang dalagang dumating sa lugar ni Batooy, isang minor hero, ngunit ayaw magsalita ng nasabing dalaga at hindi nakikipag-usap sa kahit sinumang lalaki, kaya pinatawag ng mga kalalakihan sa hangin si Tuwaang. Takot ang ate ni Tuwaang na may masamang mangyayari sa kanyang kapatid kapag ginawa nito ang nasabing paglalakbay.

Pero agad-agad na naghanda si Tuwaang at isinuot niya ang kanyang mga armas. Kinuha niya ang kanyang sibat at shield at tinawag ang kidlat/lightning/*clapclap*Lintik! upang dalhin siya sa lugar ng Pinanggayungan. Pagkarating doon ay agad-agad siyang hinangaan ng mga dilag. Bumisita siya sa bahay ni Young Man of Pangavukad kung saan siya tumuloy. Sinamahan ni Young Man of Pangavukad si Tuwaang sa kanyang paglalakbay, at sila’y nakarating sa tahanan ni Batooy. Humiga si Tuwaang sa tabi nung Young Maiden na ayaw magsalita at kaagad na nakatulog at humilik. Matapos nun ay nagsalita ni si Young Maiden, at nagpakilala sila sa isa’t isa. [I’m assuming that sometime before they introduced themselves to each other ay nagising si Tuwaang. Hindi sinabi sa kwento eh. XD]. Ikinuwento ni Young Maiden ang kanyang storya kay Tuwaang…

Si Young Maiden ay tumakas at nagtatago mula kay Young Man of Pangumanon, isang malahiganteng lalaki whose headdress ay abot-ulap. Si Young Man of Pangumanon ay gusting pakasalan si Young Maiden, ngunit tinanggihan siya nito. In revenge, sinunog ni Young Man of Pangumanon ang bayan ni Young Maiden., at ang lahat ng iba pang lugar where Young Maiden has taken refuge from him. Kaya Young Maiden took shelter in the earth world. [Galing sa sky si Young Maiden, hence the title. XP.]

Pagkatapos magkwento ni Young Maiden kay Tuwaang ay dumating si Young Man of Pangumanon, balot ng apoy at pinagpapapatay ang mga tao sa bayan ni Batooy. Sinimulan niyang patayin din ang mga tao sa loob ng bahay, at isa sa mga huling napaslang ay si Young Man of Pangavukad. Inattack ni Young Man of Pangumanon si Tuwaang, ngunit hindi ito natamaan. Naglaban ang dalawang mandirigma sa labas ng bahay (sa yard daw) gamit ang mga shields, swords, at blades. Ngunit neither of the two warrior ang nakalamang sa laban. Nabasag ang kanilang mga shield, expect for the handles na kanilang tinapon. [Duh, anong silbi ng handle ng shield kung wala na yung shield part nun shield. XP]. Nasira rin ang kanilang mga sibat, mga long blades, at daggers (except for the handles) – all of which they threw away, at lahat ng fragments na ito ay naging mga puno. So after nun, nag-wrestling na lang silang dalawa. After nilang mag-wrestling, tinawag ni Young Man of Pangumanon ang kanyang patung, isang mahabang iron bar. Binuhol niya ito at ibinato kay Tuwaang, na napaligiran ng iron bar na itetch. Lumiyab yung patung ni Young Man of Pangumanon, ngunit itinaas ni Tuwaang ang kanyang kanang braso at namatay ang apoy. Matapos nun ay si Tuwaang naman ang tumawag sa kanyang patung na gawa sa ginto. Tinawag ni Tuwaang ang hangin upang palakasin ang apoy ng kanyang gintong patung na bumalot kay Young Man of Pangumanon, who eventually dies. [Salamat naman po! Naiinis na ’kong i-type yung pangalan niya. Young Man of Pangumanon. Young Man of Pangumanon. Young Man of Pangumanon. XP]

Afterwards ay binuhay muli ni Tuwaang ang mga nasawi gamit ang kanyang dura/spit/laway. Binuhat niya si Young Maiden sa kanyang balikat at dinala sa kanyang bayan sa Kuaman sakay muli ng kidlat. Sinalubong sila ng ate ni Tuwaang at inalok ng nganga. Matapos magpahinga ng limang araw, kinailangang lumaban muli ni Tuwaang. Isang di-kilalang lalaki ang pumapatay sa kanyang mga tauhan at hinamon nito si Tuwaang. Naglaban sila at natalo ni Tuwaang ang kayang kalaban. Ni-revive muli ni Tuwaang ang kanyang nga tauhan at nagpahinga muli ng limang araw. Pagkalipas ng limang araw na iyon ay tinipon ni Tuwaang ang kanyang mga nasasakupan at dinala ang mga ito sa bayan ng Katuusan, isa sa mga heavenly worlds. Sumakay sila sa sinalimba, isang airboat. Sinakay ni Tuwaang ang kanyang kapatid at si Young Maiden sa kanyang mga balikat at sinundan ang sinalimba sa bayan ng Katuusan, kung saan ay walang kamatayan.



Add a Comment