MAGANDA PA ANG DAIGDIG ni L. Francisco.I. Tungkol sa May-Akda
Si Lazaro V. Francsico ay pinanganak noong Pebrero 22, 1898 sa Orani, Bataan. Siya ang pang-apat na anak nina Eulogio Francisco at Clara Angeles. Bata pa lamang siya ay lumipat na sila sa Nueva Ecija.
Isa siyang realist na marami social at moral na idyeals. Malakas ang impluwensiya ni Jose Rizal sa mga akda na sinusulat niya.
Ilaw sa Hilaga, Sugat ng Alaala, Maganda pa ang daigdig, at Daluyong ay ilan sa mga sinulat niyang akda.
Siya ay naging pangulo ng Kapatiran ng mga Alagad ng Wikang Pilipino (Kawika) noong 1958.
Natamo niya ang mga karangalang “Gantimpala mula sa paligsahan ng Liwayway” para sa Binhi at Bunga, Nobelista ng Taon para sa Paanan ng Krus, Commonweath Awards para sa Singsing ng Pangkasal, Balagtas Memorial Award para sa Ama at Panitik ng Kababaihan para sa Ilaw ng Hilaga.
Ipinagkaloob din sa kanya ang Republic Cultural Heritage Award sa panitikan noong 1970.
Siya ay namatay noong Hunyo 17, 1980.
II. Tungkol sa Akda
Ang Maganda Pa Ang Daigdig ay sinulat ni Lazaro Francisco noong 1955 at lumabas ito sa Liwayway Magazine bilang isang serye. Ito ay napublish bilang libro noong 1982. Usapin sa repormang agraryo at panunulisan ang nobelang ito, at tumatanaw sa pag-asa sa kabila ng kabulukan at karimlan ng paligid. Tungkol ito sa problema at mga isyung mula sa agrikultura sa ating bansa at epekto sa buhay ng isang tao na si Lino Rivera.
A. Mga Tauhan
Ang pangunahing tauhan ng Maganda pa ang Daigdig ay si Lino Rivera. Galing lamang siya sa mahirap na pamilya ng mga magsasaka. Nakapagaral siya hanggang sa ikaaapat na baitang. Masipag naman siyang magtrabaho. At marami na rin siyang pinasukang trabaho. Dalawang beses siyang nabilanggo sa buong kwento. Parehas ay para sa bagay na hindi niya ginawa. Noong unang beses dahil walang saksi. Sa pangalawa naman, pinagbinatangan siyang pumatay.
Siya rin ay mabait na tao na tumutulong sa mga may kailangan. Pinuno siya ng kanilang kilusan, subalit nung inalok siya ni Kumander Hantik na sumama sa kanyang samahan, siya ay tumanggi. Siya ay may halagang 10,000 pesos sa paghuli, patay man o buhay.
Mayroon siyang isang anak na si Ernesto. Sa kurso ng storya, si Ernesto ay 11 na taong gulang. Mayroon siyang isang krusipiho lamang mula sa kanyang ina na namatay na. Isa siyang matalino na bata at siya ay nasa ikaapat na baitang na. Inaalagaan siya ni Bb. Sanchez. Minsan ay sinabihan siya ng isang bata na anak siya ng tulisan. Pero kahit anong problema ang dinaraos ng ama niya, mabait pa rin na anak si Ernesto.
Si Bb. Loreto Sanchez ang nagalaga kay Ernesto noong pangalawang beses na mabilanggo ni Lino. Siya ang punong guro sa paaralang bayan ng Pinyahan. Siya rin ang taga payo ng samahan ng mga magulang at guro. Mayroon siyang inaanak na si Ernestina. Inaalagaan rin niya ito. Anak siya ni Aling Basilia at tiyo niya si Padre Amando. Isa siyang napakaganda na babae. Iniibig siya ni Kapitan Roda. Mabait siya at lagi niyang tinutulungan si Lino makahanap ng bagong trabaho.
Si Kapitan Carlos Roda ay ang mangiibig ni Bb. Sanchez. Guwapo siya, mabait at may magandang kinabukasan. Mataas ang posisyon niya sa hukbo ng bansa. Nakapagaral din siya sa mga kilalang paaralan. Sa banda gitna ng kwento, kinuhanan siya ng orasan at rebolber na ibinalik ni Lino. Siya rin ang nakatuklas kung sino talaga ang pumatay kay Tarantella (ang akala na pinatay ni Lino).
Si Kumander Hantik ang nagnakaw ng rebolber at orasan ni Kapitan Roda. Kumander siya ng Huk. Iyon ay isang samahan na laban sa pamahalaan.
Si Pari Amando Echevaria ay ang tiyo ni Bb. Sanchez. Kura siya ng Pinayahan at siya ay 57 na taong gulang. Tumulong rin siyang mahanap ni Lino ang trabaho niya bilang janitor at siya ang tumutulong sa kaso nito dahil naniniwala siyang walang sala si Lino. Nangingialam siya sa mga pangyayaring relihiyon, panlipunan, at pamahalaan.
Ang susunod na babanggitin ay ilan sa minor characters ng libro. Si Aling Ambrosia ay ang labandera ni Bb. Sanchez. Binalita niya kay Bb. Sanchez na nahuli si Lino. Si Ignacia ay ang kawaksi ni Bb. Sanchez. Si Aling Basilia ay ang ia ni Bb. Sanchez.
Si Don Tito ay ay may ari ng bakahan sa Pinyahan. Araw araw, nawawalan siya ng trabahaor at nananakawan siya ng mga baka. May anak siyang nagtapos sa New York City. Si Albino naman ang kaibigan ni Lino na pamangkin ni Aling Ambrosia. Siya ang nagsabi kay Pari Amando tungkol sa kalagayan ni Lino. Si Rosauro Ablana ay isang matalik na kaibigan ni Kapitan Roda. Si Estanislao Villas ay ang may ari ng gasoline station sa Pinyahan at pati na rin sa Maynila. Asawa niya si Ms. Rosalina Dolor na isang kagawad. Ang isa pang kagawad ay si Ms. Genoveva Riegos.
Si Marcelo Ligon ay ang abogado ni Lino. Si Mr. Orozco ang super intendent ng mga school. Si Ernestina ang inaanak ni Bb. Sanchez. Magkatampuhan sila ni Ernesto, na kaidad niya. Si Ms. Minda Lavadia ay ang guro ni Ernesto at Ernestina. Si Kabo Lontoc ay ang gwardiya na nangdakip kay Lino. Si Diego Sakdal ang nagbunsod kay Lino na pumunta sa Pier X. Si Cayetano Tarantella ay pinatay ni Lupo Pinlak gamit ang isang tubo. Ang abogado de opisyo naman ni Lino ay si Abogado Teoposto Garcia. Binigyan siya ni Pari Amando ng 200 pesos para sa kanyang serbisyo.
Si Ester Matthews ay isang amerikanang mestisa na penpal ni Bb. Sanchez. Sina Bandino Runes, Dimas Solitario at Juan Rompe ang mga saksi na “pinatay” ni Lino si Tarantella. Pero sa totoo lang, kasabwat sila ni Lupo Pinlak. Siya ang Kumander Kalpin ng mga Huk. SI Tisyo ang kasama ni Lino sa kanilang kasamahan, kasama rin siyang tumakas sa bilangguan.
Si Dr. Margarito Castro ang doktor na tumingin kay Lino nang magkasakit ito. Si Dinong ay isa pang kasama ni Lino na tumakas mula sa bilangguan. Si Felix ay isang sakristan. Si Pedro Sinsak ay pinalitan ni Lino sa trabaho. Si Santiago ag katiwala ni Pari Amando.
B. Buod
Nagsimula ang storya sa Kiyapo kung saan nahablot ang bag ni Bb. Sanchez. Nabawi naman agad ang bag ng isang taong di kilala. Binugbog pa niya ang mga magnanakaw. Nahuli ang mga suspek at nalaman ni Bb. Sanchez na ang pangalan ng tumulong sakanya ay Lino.
Ang maybahay ni Lino ay ginahasa ng mga sundalong Hapon. Sa paguwi ni Bb. Sanchez sa bayan ng Pinyahan, nalaman niyang nakikipirmi si Lino kasama ang anak niyang si Ernesto.
Tinulungan ni Bb. Sanchez at ng amahin niyan si Pari Amando na makakuha ng trabaho si Lino. Subalit dinakip si Lino at napagbintangan siyang pumatay. Dinalaw siya ni Pari Amando sa Maynila para malaman ang kaso. Kwinento ni Lino ang nangyari sakanya, kaso ang problema ay walang saksi. Pangalwang beses na itong nakulong dahil sa walang saksi.
Habang wala si Lino, inalagaan muna ni Bb. Sanchez si Ernesto. Noong una ay hindi kumakain at nakakatulog si Ernesto. Nagaalala na si Bb. Sanchez at ang ina niya. Sinusubukan din ni Ernestina na pasiyahin si Ernesto ngunit walang nanyayari. Binilhan na siya ng damit at lahat.
Dumalaw si Padre Amando at pinagusapan nila ni Bb. Sanchez ang nangyari kay Lino. Nang tanungin ng pari kung ano ang gusto nung bata, ang sinabi niya ay ang kanyang ama. Nangako ang pari na tutulungan niya si Lino.
Pagkatapos ay dumating ang labandera ni Bb. Sanchez. Napagusapn ng mga kapitbahay nila na tutulungan nila si Bb. Sanchez. Dumaan din si Estanislao Villas at sinabi na naghanap na sila ng abogado para kay Lino.
Bago umalis, nangako ang pari na pupuntahan niya si Lino at aalamin ang kanyang kalagayan at ang katotohanan. Pagkatapos ng ilang oras ay dumating si Aling Ambrosia, ang labandera nina Miss Sanchez.
Natagpuan na ni Rada ang saksi, pati na rin ang tunay na pumatay, sa Camarines Sur subalit nakatakas na ito kasama ang labindalawang bilanggo habang ililipat sila sa Muntinlipa.
Nabalitaan ngayon na si Lino at ang mga kasamahan nya ay humuhuli ng mga Huk. Ang mga Huk ay mga manggagahasa at magnanakaw. Noong nagkita si Kumander Hantik at at si Lino sa isang kweba, inanyayahan niya ito na sumali sa kanilang samahan. Tumanggi si Lino. Bilang ganti, ikakalat raw ni Kumander Hantik na si Lino ang nagsisimula ng gulo sa mga lalawigan. Nagkaroon ng Operation Scarlet subalit hindi pa rin mahuli si Lino at ang samahan niya.
Habang nangungumpisal ang isang rantsero, nalaman ni Padre Amado ang kinaroroonan ni Lino. Sinabi nyang tumitigil nang tumakas at binalitang alam na na wala siyang kasalanan sa kaso. Tumigil nga si Lino at sa dulo, nalaman niyang iniibig siya ni Bb. Sanchez.
For more, go to http://fournine08.multiply.com/journal/item/39/MAGANDA_PA_ANG_DAIGDIG. :)