Join MultiplyOpen a Free ShopSign InHelp
MultiplyLogo
SEARCH

You know you love me. ♥

Blog EntryJun 15, '09 2:40 AM
for everyone
Dayuhan ni Buenaventura S. Medina

I.  Buod

    Mayroong karamdaman ang ama niya. Alam na niya ang lahat ng gagawin pag sinumpong ang sakit nito ngunit gustuhin man niyang siya na lang ang gumamot dito, hindi maaari. Iba pa rin ang alagang binibigay ng doktor.

    Magkakahiwalay sila ng kwarto. Siya’y nasa isa, ang kanyang ama’y nasa kabila at ang kanyang ina kasama ang mga kapatid niya ay nasa isa pa.

    Gusto sana ng kanayang ama na pabayaan na siya. Ngunit sila’y tumututol. Lalo pa ang kanyang ina na halos gabi-gabi ay umiiyak. Tuwing naririnig niya ang kanyang ama mula sa kabilang kwarto, dali-dali siyang magpupunta rito at kukunin niya ang doktor na si Dr. Santos.

    Isang araw, napagpasiyahan ng kanyang ate at ang asawa nito na umalis at tumungo sa Bisaya. Hindi umiimik ang kanyang ama hanggang sa humalik na ang ate nito rito. Sinabi nito na sumulat siya khait paminsan-minsan lang. Ang ina naman niya’y hindi kumikibo dahil katulad ng ibang ina, ayaw nitong mahiwalay ang anak sa kanya. Dumaan ang mga araw at ilang sulat ang kanilang Nakuha. Natuwa naman ang kanilang ina.

    Isang araw, nakita niya ang kanyang ama at si Ading na may kasamang isang bata. Napag-alaman nila na anak nito iyon sa iba. Sinabihan siya ng kanyang ama na siya nsa ang bahala sa kanyang ina.

    Muling nagkasakit ang ama. Tinawag niya si Dr. Santos. Sa kasawiang-palad, namatay ang kanyang ama. Nag-iyakan ang kanyang ina at mga kapatid. Tila isang dayuhan ang nagkwento sa silid na iyon. Nilapitan niya ang kanyang ama.

II. Pagsusuri
a.    Pamagat at Kwento

Ang tinutukoy ng pamagat na “Dayuhan” sa kwento ay ang ama. Tila siya isang dayuhan na hindi dapat pinanpansin at may sarili pang kwarto. Tila siyang isang dayuhan na ayaw magpamalasakit at gustong pabayaan na lamang.

Maraming tao sa panahong ito ay ang pakiramdam ay neglected. Hindi dahil may kabit o pangalawang asawa ang isang tao ay dapat na itong kamuhian ng kanyang totoong pamilya. Maganda nga na kahit may iba ito ay patuloy pa rin ang suporta sa kanya.

b.    May-akda
Si Buenaventura S. Medina Jr. ay isang Pilipinong manunulat, na ipinanganak noong Disyembre 1, 1928, na naka likha ng mahigit dalawampu't-limang libro kung saan karamihan ay mga nobela at ukol sa panunuligsa.
Bukod sa mga nailimbag na libro, na kasama ang: Pintig (1969), Gantimpala (1972), Confrontations, Past and Present in Philippine Literature (1974), The Primal Passion, Tagalog Literature in the Nineteenth (1976), Francisco Baltazar's Orosman at Zafira (1991), at Moog and Alaga (1993), si Medina ay pinarangalan din sa kanyang mga sanaysay at mga maiikling kuwento. Bukod dito, siya din ay naging editor sa mga magasin tulad ng Free Press.
Bagaman nakamit niya ang BA at MA in English (Far Eastern University) at ang Ph. D. in South East Asian Sudies (Centro Escolar University) mula sa mga unibersidad sa Pilipinas, ang kanyang mga gawa ay hindi lang limitado sadito. Siya ay nag-presenta ng iba't ibang katha o gawa sa mga international conference sa Japan at Thailand.
Bukod sa pagkaka-talaga sa Don Carlos Palanca Memorial Awards Hall of Fame noong 1996, siya ay pinarangalan ng South East Asia Writer Award noong 1994 (SEA WRITE) at Gawad Pambansang Alagad ni Balagtas Award para sa Literary Criticism.
Siya ay nanatili bilang propesor sa Far Eastern University, Ateneo de Manila Universiy, at sa De La Salle University.
c.    Tauhan

Nagsasalaysay – bida sa kwento; lubos ang kanyang pagmamalasakit sa ama na may sakit.
Dr. Santos – doktor ng ama niya
Ina – ina niya na malaki pagmamalasakit sa asawa
Ading – kabit ng ama niya
 



Add a Comment