ARAW NG MGA BULDOSER AT DAPITHAPON NG ISANG BANGKANG PAPEL SA BUHAY NI ATO ni Pedro Cruz Reyes, Jr. (v.2)
I. Tauhan
A. Ato
Si Ato ang pangunahing tauhan ng kwento. Sa kanyang pagsasalaysay at pagninilaynilay sa mga nangyayari sa buhay niya, dito na umikot ang pangyayari sa buong kwento. Galing sa mahirap na pamilya si Ato at nawalan na siya ng tatay. Ito pa man din ang idolo niya sa buhay.
Maaga pa lamang ay namulat na ito sa realidad ng buhay na kailangan nitong kumayod ng mabuti para sa ikabubuhay ng pamilya niya. Maagang gulang pa lamang ay nagtratrabaho na itong si Ato dahil malaki ang pangarap niya na umangat ang estado sa buhay.
B. Tatay ni Ato
Ang tatay ni Ato ay isang welder pero namatay dahil sa pagkakaroon ng ulcer. Idolo ito ni Ato dahil sa sipag sa trabaho at sa kagustuhan nitong mapag-aral ang mga anak. Kahit na pagod na pagod, laging nag oovertime ang tatay ni Ato para lumaki ang kita kahit kakaunti upang makatulong sa pamilya.
C. Misis
Siguro’y asawa ng Mayor kung kaya’t namimigay ng “relief goods” sa mga nasalanta ng bagyo. Mataray at mapilit sa kanyang mga desisyon. Hindi siya pumapayag na mamigay sa mga taong wala sa kanyang listahan.
D. Tiyo Manuel
Ang tiyuhin nila Ato na nagbibigay ng trabaho para kay Ato, hinahatak nito ang bata para makatulong sa pagiimbak ng mga palay sa trak sa garahe. Mapagbigay dahil laging handing tumulong kila Ato kahit sila mismo ay hirap din sa buhay.
E. Ka Teban
Ang mayamang taga Dulong Baryo na nagpapatulong sa pagiimbak ng palay sa kanyang trak dahil baka mabasa ng bagyo. Mataguin dahil ayaw ipaalam ang kanyang pagaani ng palay kung kaya’t dati’y nasira ang mga pananim. Ngayo’y nagpapabayad para mailipat ang mga palay sa kanyang trak kapalit ng isda at ng bigas.
F. Unyo
Pinasan ni Ato na naghatid sa kanya gamit ang de-motor na bangka sa bayan.
G. Mrs. Lim
Ninakawan ni Ato ng paninda at nagsasabing dati pa daw siya balak nakawan ni Ato dahil dati pa ito pamasid-masid sa lugar.
H Kapitan Gonzales
Ang lider ng mga pulis sa bayan. Binugbog si Ato dahil sa krimen na ginawa nito at gustong paaminin. Malaki ang pagpapahalaga sa respeto sa kanya. Guston niyang sinusunod siya at nirerespeto ng bawat taong makahalubilo niyo lalong lalo na sa mga may krimeng ginawa.
I. Mang David
“Boss” ng tatay ni Ato dati sa pag wewelding. Dating mahirap na sinabing nag eesmuggle daw kaya yumaman. May pagkamabigat ang kamay sa mga trabahador dahil ayaw bigyan ng mga benepisyo tulad ng SSS at sick leave.
J. Neneng, Bodyok, Bengbeng at Popoy
Tulad ni Ato ay sa murang edad natutong kumayod para sa ikabubuhay ng pamilya. Marunong na agad sa mga gawaing bahay dahil kailangan na tulong-tulong para sila ay mabuhay.
II. Tunggalian
Tao laban sa Kalikasan
Ang bagyong si Didang ay isang halimbawa ng tao laban sa kalikasan sa kwento. Ang pagsalanta ni Didang sa maraming kabuhayan at kabahayan sa gitnang Luzon ay isang hudyat na gumaganti ang kalikasan sa mga maling ginagawa natin dito. Ang isa pang tao laban sa kalikasan ay ang matinding baha na kahit linggo na ang binibilang ay hindi nawawala. Ang ganitong mga kalamidad ay pagpapakita na may tunggalian sa pagitan ng tao at ng kalikasan.
Tao laban sa Tao
Tulad ni Nana Tesang at ni Misis, nagkaroon ng hidwaan sa pagitan nilang dalawa, pagpapakita ito ng pagaaway ng tao at ng kapwa tao. Isa pang halimbawa ay ang sa tatay ni Ato at ni Mang David na ayaw magbigay ng benepisyo sa pagtratrabaho ng mga welder sa kanya. Hindi niya ito binibigyan ng pantay na pagtingin at iniisip lamang ay ang ikagagaling ng sarili. Isa pang halimbawa ay ang pagpaparusa ni Chua kay Bodyok. Lahat ng mga ito ay pagpapakita na may hidwaang nagaganap pagitan ng tao at ng kapwa tao.
III. Buod
Ang kwento ay bumabalik sa nakaraan kung saan inaalala ni Ato pagkatapos makulong ang tatay niya. Ang tatay niya ay isang welder na ginagawa ang lahat para matapos nila ang kanilang pag-aaral. Ngunit isang araw, dinala ito sa ospital pagkatapos sikmurain ng isang sapak ni Mang David. Meron palang ulcer ang tatay ni Ato, namatay ito at si Ato ang tumayong magulang ng pamilya.
Maaga pa lamang ay nagtrabaho na agad ang magkakapatid. Pati ang Nana Tesang ay natututong kumayod para sa mga bata. Isang araw, pagkatapos ng bagyong si Didang ay dumating ang rasyon ng goods. Ngunit hindi nabigyan si Nana Tesang. Dahil sa walang makain, inanyayahan ng tiyo nitong si Manuel si Ato para tumulong kila Ka Teban para magkahakot ng palay at makauwi ng pagkain. Pagkatapos noon ay nahiya na si Ato sa tiyo Manuel niya dahil lagi na lamang itong tumutulong.
Gustong kumayod mag-isa ni Ato kung kaya’t pumunta ito sa bayan at dun natiyempuhan niyang hindi nakitingin si Mrs. Lim kung kaya’t nagnakaw siya pero nahuli siya at dinala sa prisinto. Doon kinulong ng binata at ngayon ay nagmumuni kung bakit dati’y malaki ang pag-asa niya, ngayo’y nawawala na.
IV. Leksyon ng Kwento
Ang leksyon ng kwento ay ang realidad na kailangan kumayod sa buhay para ikaw ay makaraos. Hindi dumarating basta basta ang mga biyaya na binibigay ng Diyos. Pinaghihirapan ang bawat butyl ng bigas na ibinibigay sa atin. Para kay Ato, kahit bata pa siya, alam nating gusto niyang makatulong pero sa paraang legal dapat. Hindi sa pagnanakaw o sa kung anu pa man. Kung sa pagbebenta ng dyaryo ay hindi sapat para sa kanya, hayaan natin na sipag ang magdala sa atin sa ikatatagumpay natin.
Ang panloloko ay hindi tama dahil para mo na rin niloko ang sarili mo. Responsibilidad din sa mga sariling aksyon ang tinuturo ng kwentong ito sa mga mambabasa. Kung handa kang gumawa ng masama, dapat panagutan mo ang mga ginawa mong iyon at dapat na makonsensya ka sa ginawa mo.