Join MultiplyOpen a Free ShopSign InHelp
MultiplyLogo
SEARCH

You know you love me. ♥

Blog EntryApr 19, '09 8:33 PM
for everyone
SA'N ANG LAKAD MO NGAYON, MA?


Nagsimula ang kwento sa pagabot ni Idad kay Ditas ng isang maliit na bagay na makapal na sa unang tingin ay inakalang aklat. Nakita raw ito sa kama ni Loly. My Diary ang nakalagay sa harapan ng aklat.

Nagulat si Ditas at binuksan niya ang talaarawan. Nakilala agad nito ang sulat-kamay na nandito.

Sa unang pahina, nagkwento ang may ari ng diary tungkol sa Bagong Taon. First time daw na makabalik ang nanay niya bago mag hating gabi. Noong bata raw siya, lagi lang sila ng yaya niyang si Idad ang nagcecelebrate. Habang umiiyak asi Loly, si Idad ay iniihip lang ang torotot.

Nabanggit ni Loly na paguwi ng nanay niya ay maraming dala na pagkain. Napakasaya raw niya. Nabanggit din niya ang isang taong nangangalang Jan. Sila raw ay nagtawagan.

Sa sunod na entry, napagkaalaman na na ang nanay na tinutukoy sa entries ay si Ditas. Sabi ni Loly na napakasaya raw ng nanay niya. May pinakita na arcticle sa diyaryo tungkol kay Ditas Sandoval, isang lider sibiko at mangangalakal.

Naisip lang ni Loly bakit siya nabigyan ng award eh hindi naman siya ang pinagsisilbihan ng nanay niya – puro ibang tao. Lagi lang siyang iniiwan sa bahay kasama si Yaya Idad. Pero hindi niya sinabi iyon para hindi masaktan ang nanay niya. At saka kung magreklamo siya, sasabihin lang sakanya na hindi naman siya kinakapos.

Mayaman ang pamilya na ito. Marami silang kumpanya at sa exclusive girls college asi Loly. May sarili pa siyang kotse pang hatid at sundo sakanya. Pero ang nakakausap lang daw ni Loly ay si Yaya Idad, tuwing may bagong pangyayari sa buhay niya.

Sa susunod na entry, death anniversary na ng tatay niya. 10 years na ang nakalipas. Napagkaalaman na 16 asi Loly. Prep o Grade one daw siya noong isang hapon hindi tatay niya ang sumundo sa kanya. Nagpamisa ang nanay niya. Nagpaalmusal pa. Maraming dumalo. Nagtaka asi Loly kung bakit naging masaya ang death anniversary ng tatay niya.

Noong Enero 22 naman, foundation day ng kolehiyo niya. Sumikat asi Loly dahil napakalaki ng dinonate ng nanay niya sa kolehiyo. Pero hindi nagtagal ang nanay niya sa school nila, siya ay nagpunta sa kasal. Kaya maaga na rin umuwi ang babae at naging malungkot ulit siya.

Enero 31 ang sunod na entry. Birthday na nung may ari ng talaarawan. May sobre na inabot si Yaya Idad sa kanya, pinapabigay daw ng nanay niya. Puro pera ang laman, bumili raw siya ng kahit anong gusto niya. Nakalagay sa dulo “happy birthday iha”.

Niyaya niya ang kanyang gang. May pinsan daw ang isa nyang ka-gang na gusto siyang makilala. Tumawa na lang asi Loly dahil parang steady na raw sila ni Jan.

May gift si Jan sa kanya. Isang singsing na inuwi ng nanay ni Jan galing sa Austria. Garnet daw ang bato nito. Sabi pa ni Jan, kung papayag siya, engaged na raw sila.

Pebrero 12 na ang sunod na entry. Busy daw siya dahil finals nila. Nagdradrama nanaman siya na hindi nya nakakausap ang nanay niya. Nangako pa naman daw siya na manunuod sila ng sine. Pero noong paalis na sila, biglang may tumawag na may appointment daw siya. Hindi tuloy sila natuloy.

Noong valentines day naman, paggising niya, may tatlong pulang rosas sa ibabaw ng tokador niya. Madaling araw pa raw iyon dumating.

Napaisip tuloy siya kung galing kanino, kasi noong previous night nadate na sila ni Jan sa isang napakaclassy na restaurant. Paglabas nila ng restaurant, humigpit ang kapit ni Jan sa kamay niya. Nakita niya ang kanyang tatay, pero hindi nya nanay ang kasama nito. Ang malala pa ay nashock din asi Loly. Nanay niya ang kasama ng tatay ni Jan.

Pagkatapos ng finals niya, hindi pa rin tumatawag si Jan. At hindi pa rin niya sinasabi sa nanay niya ang alam niya.

Noong Marso 4, tinawagan niya si Grace at naisipan nilang lumabas ng pinsan ni Grace na si George. Masaya daw siya kausap, at lagi silang may sinasabi hindi katulad ni Jan. Napagusapan na mag date ulit sila.

Sa huling entry na binasa, galit na galit ang nanay. Hindi na raw sila nagkikita sa gabi. Si George kasi, mapilit na gabi gabi sila ay magkasama. Nagaway sila ng nanay niya. Pinakita na may malakas na karamdaman si Loly para kay George.

Tumigil na magbasa si Ditas. Si George ay hindi niya nakilala ng personal. Nabanggit lang ito ni Grace noong nakatayo siya sa harap ng bangkay ni Loly. Nasa US na raw si George.

Lumapit si Ditas sa kabaong at hinaplos niya ang daliri niya sa salamin. Hindi siya makapaniwala. Napatili si Ditas nang malaman nya ang resulta ng autopsy. Puro pagsisisi at dalamhati ang nararamdaman niya. Namatay si Loly dahil sa drugs. Buntis din siya – dalawang buwan na.

Paulit ulit lang naririnig ni Ditas ang boses ng anak niya “Saan ang lakad mo ngayon, Ma?”


Add a Comment