LANGAW SA ISANG BASONG GATAS ni Amado V Hernandez
May-Akda
Si Amado V. Hernandez ay pinanganak noong September 13, 1903 sa Hagonoy Bulacan. Lumaki siya sa Tondo, Maynila. Isa siya sa mga pinakasikat na manunulat sa bansa. Nag-aral siya sa Manila High School sa Gagalangin, Tundo, Maynila; at sa American Correspondence School at doon niya nakuha ang titulong Bachelor of Arts.
Kabilang sa mga aklat ni Hernadez ang sumusunod:
• Kayumanggi at iba pang Tula' (1940);
• Isang Dipang Langit (1961);
• Bayang Malaya (1969);
• Ibong Mandaragit (1969);
• Luha ng Buwaya (1972);
• Muntinlupa (1957);
• Hagdan sa Bahaghari (1958)
siya ay namatay noong Marso 24, 1970.
Buod
Nagsisimula ang kwento sa pagdating ng mga truck at bulldozer sa bukid kung saan itatayo ang Royal Lanes, isang bagong subdivision. Si Bandong ay nanunuod habang sinusunog ang damo at pinapatag ang lupa. Nakita niya ang mabilis na pagtayo ng mga bahay doon sa subdivision.
May nakausap si Bandong na trabahador sa subdivision at dito niya nalaman kung sino ang nagpapagawa ng subdivision. Si Don Lamberto Ladron daw ang may proyekto na ito, para raw ito sa grupo nila. Ang grupong iyon ay para raw isang mini – United Nations.
Si Don Lamberto daw, ayon sa trabahador, ay yumaman dahil sa mga illegal na pamamaraan sa Estados Unidos. Naisip tuloy ni Bandong na hindi mabuting tao si Don Lamberto. Pero sabi ng trabahador na ang importante lang ang yumaman. Maraming tao ang gumagawa ng masama para lang magkaroon ng maraming pera.
Napagusapan din ni Bandong at ng trabahador ang lupa kung saan nakatayo ang bahay ni Bandong. Kwinento ni Bandong na minana niya ang bahay at lupa mula sa kanyang mga ninuno.
Pagkataps matayo ang subdivision, nagbayad na ng mga utang ang mga manggagawa at trabahador sa awasa ni Bandong na si Ana. Si Ana kasi ang nagpakain sa kanila habang sila ay nagtratrabaho.
Malaki ang kinita nila dito kaya nasabi ni Ana na dapat sila ay magpakabit ng tubig sa subdivision. Kaya nagpunta si Bandong sa subdivision para pagtanong tungkol dito. Si Mister Pena ang kumausap sa kanya.
Sabi sa kanya na nais silang paalisin sa bahay nila dahil sila ay nakakasira lamang sa view ng Royal Lanes. Nagalit dito si Bandong at siya ay nag-walk out.
Sa araw ng bendisyon ng subdivision, may ahente na nagpunta sa bahay ni Bandong at pinagusapan muli nila ang lupa at bahay nina Bandong. Papaalisin na raw talaga sila.
Nagalit nang tulutan si Bandong. Noong gabi na iyon ay nagbasa siya ng ilang pahina ng El Filibusterismo ni Jose Rizal. Binasa niya ang kabanata kung saan kinuha ang lupa ni Kabesang Tales at ang ginawa niyang pagsama sa mga rebelde.
Pagkatapos niya basahin ang parte ng kwento na yon, tinanong niya ang asawa niya kung nasaan ang mga gulok nila at hinasa niya ang mga ito.
Pagsusuri
Ang Langaw sa Isang Basong Gatas ay isang akda tungkol sa isang magsasaka na nakatira malapit sa isang construction site ng bagong subdivision. Ordinaryo lamang si Bandong at ang asawa niya.
Subalit makikita sa kwento ang ibang pagtrato sa mga hindi mayayaman. Napakita ito noong pinaalis sina Bandong sa bahay nila. Puro mayayaman lang kasi ang nakatira sa Royal Lanes. Kahit hindi bahagi ng subdivision nila ang bahay nina Bandong, makikita pa rin nila ito, kaya naisip nilang paalisin na lang sila, para pwedeng gibain ang bahay na yon pagkatapos.
Kumbaga, just because it's ruining their view, papaalis na sila ang mga nakatira doon. Hindi man lang nila naisip na baka importante ang lupa na yon. Pinamana nga naman ito ng mga ninuno ni Bandong sa kanya.
Ang moral ng kwento ay ang mga mayayaman gagawa ng kahit ano para mapaganda pa lalo ang mga buhay nila. Tulad ng sinabi noong trabahador, gagawa sila ng masama, basta ba makakuha sila ng pera.
Kahit naman hindi pera iyong makukuha nila sa pagpaalis kina Bandong at Ana, in a way, beneficial pa rin ito sa kanila.