Join MultiplyOpen a Free ShopSign InHelp
MultiplyLogo
SEARCH

You know you love me. ♥

Blog EntryApr 19, '09 8:16 PM
for everyone
DILIM SA TANGOS NG BUNDOK ni Brigido C. Batungbakal (v.2)


May Akda

Si Brigido C. Batungbakal (1990 - 1994) ay kilalang kwentista at nobelista ng henerasyong "Panitikan." Ang organisasyon ng mga pinakatanyag na Tagalog na manunulat sa panahon ng Commonwealth.

Si Batungbakal mismo ang nag-organisa ng koleksyong Pula ang Kulay ng Dugo at iba pang kwento. Ito ay nagtamo ng parangal mula sa Commonwealth Literary Award noong 1940, at naglalaman ng pinakatampok na mga katha ni Batungbakal bago pumutok ang Pangalawang Pandaigdigang Digmaan.


Tauhan
  • Ka Damon- ang kapitan ng Masagana.
  • Da Sinta- asawa ni Ka Damon.
  • Tintoy – anak ni Ka Damon at Da Sinta na magtatapos ng inhinyerya.
  • Lilay – anak ni Ka Damon at Da Sinta na nasa ikatlong taon na sa Normal.
  • Ka Sela- asawa ni Tandang Pinong na namatay sa gabi na nagputak ang mga manok sa gitna ng gabi.
  • Ingkong Damaso- nagbalita kay Ka Damon ng pagkamatay ni Ka Sela.
  • Mang Teban- namatay dahil natamaan ng kidlat.
  • Ka Kanding- natangay ng malakas na agos ng tubig sa ilog nang magkaroon ng bagyo at nabagok ang kanyang ulo.
  • Mister Carlos Espino- isang inhinyerong kasama ni Tintoy sa kanyang pag-uwi sa Masagana. Siya ang nagsabi ng planong pagpapatayo ng dam sa Masagana.

Buod

Sa nayon ng Masagana, nagkakaroon ng karamdamang takot ang mga tao roon sa tuwing didilim sa tangos ng bundok. Ang pagdilim ng tangos ng bundok ay nagiindicate ng bagong pangyayari sa buhay ng mga taga-Masagana.

Kadalasan ay lagim ang dinadala ng dilim sa nayon na iton. Kung hindi kamatayan ang nangyayari, famine naman o di kaya ibang problema sa tanim nila.

Isang umaga, nakita ng mga mamamayan ang dilim sa tangos ng bundok. Noong gabi na iyon, narinig nila na nagiingay ang mga kuwago at mga manok.

Si Da Sinta ay nag-aalala sa kaligtasan nina Tintoy at Lilay, ang dalawang anak nila ni Ka Damon. Si Ka Damon ay ang kapitan ng Masagana.

Sa sumunod na araw, nabalitaan ng mag-asawa kay Ingkong Damaso na patay na ang maybahay ni Ka Pinong na si Aling Sela. Naging masagana ang ani sa nayon nila kaya nagpasalamat sila sa Mahal na Birhen ng Biglang Awa at sila ay nagkaroon ng pista.

Tahimik lamang ang nayon hanggang isang gabi ay nabasag ang katahimikan sa biglang pagiingay ng mga aso. Naramdaman muli ng mga mamamayan ang pagdilim ng tangos ng bundok.

Sa susunod na umaga, umulan for an hour at puro kulog at kidlat lamang ang nakikita at naririnig sa nayon nila. Pagsikat ulit ng araw, nabalitaan nila Ka Damon at Da Sinta na tinamaan ng kidlat si Mang Teban. Nabalitaan rin nila na si Ka Kanding ay nalunod at nabagok niya ang kaniyang ulo.

Pagkatapos noon ay naging masagana ulit ang ani ng nayon. Muli silang nagpista.

Nagaalala si Ka Damon sa dalawa niyang anak na nasa Maynila. Si Tintoy ay nasa huling taon na niya sa inhinyerya. Si Lilay naman ay nasa ikatlong taon sa Normal. Tinawag ni Tintoy si Ka Damon. Pareparehas silang nakatingin sa dilim sa tungos ng bundok.

Pinakilala ni Tintoy si Mister Carlos Espino sa kanyang tatay. Siya ay isang inhinyeryo. Balak niyang magpagawa ng dam sa nayon ng Masagana. Gusto niya na ang tubig ng kabundukan ay magamit sa mga bukid bukid. Si Tintoy daw ang nagisip ng plano na ito.

Sinabi ni Tintoy sa kanyang ama na magbabago na ang kahulugan ng dilim sa tangos ng bundok. “Sa likod ng dilim sa tangos ng bundok ay naroroon ang liwanang ng ating pag-asa.. dala namin ngayon ang pag-asang iyan..”



Add a Comment